PKH Egg Tutorials

Registration and Licensing of Livestock, Poultry, By-Product Handler's Livestock Transport Carrier/s:

Sa mga nais pong maging byahero ng itlog sa malalayong lugar katulad ng Bicol region at tawid-dagat like (MiMaRoPa) Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan, (VisMin) Visayas at Mindanao o inter-region from Batangas to Region 1 to 3, ito po ang kailangan nyong i-secure sa Bureau of Animal Industry regional office sa inyong lugar para ma-iapply po namin kayo ng Shipping Permit. Please note po na ang Shipping Permit po ay ina-apply bawat byahe ng itlog:

1. Handler's License (lisensya bilang byahero)
2. Transport Carrier License (lisensya ng sasakyan na gagamitin ng byahero)
3.  Letter of Acceptance from your LGU (depends on the LGU)

Ang mga iba pong requirements needed sa mga checkpoint o port ay kami na po ang mag-poprovide as supplier farm katulad ng:

1. BAI Farm Accreditation
2. Veterinary Health Certificate
3. Animal Inspection Certificate
4. AI Free Status Certification
5. Laboratory Compliance

1. Ang itlog ang isa sa prime commodity na humahalimbawa sa Law of Supply and Demand.

2. Normally, malaki ang impact ng school year sa price ng itlog sa merkado. Tumataas ang demand kapag may pasok sa mga school. At kabaliktaran naman kapag bakasyon ng eskwela.

3. Ito ang ilang tips para mas kumita po kayo ng maganda.
A. Mag-ipon ng itlog one-week advance kapag malapit na ang pasukan dahil sa pataas ang price kapag school year na.
B. Sakto lang ang bilhin kapag malapit ng magbakasyon dahil biglang bumababa ang price kapag walang pasok sa school.
C. Maganda din aralin ang andar ng supply at demand sa merkado.

4. Mas maganda din, direct kayo sa mga farms, kasi kung anong farm gate price ay sya nyo pong makukuha. Kung magbago ng price ay mabilis po magbago kung direct kayo sa mga farms.

5. Pinakamaganda pa rin ang may maayos na relationship sa mga farms. Makipag-usap po tayo nang maayos dahil natatandaan po nila ang mga maaayos na customer.

Depende po sa ibat-ibang factors:
1. Freshness - Ang mga itlog sa PKH POULTRY FARM ay sinisiguradong bago (1day old or maximum 2days from the day of harvest).

2. Egg Sizes - Mas tumatagal ang shelf-life o buhay ng maliliit na sizes ng itlog kumpara sa malalaking sizes dahil mas makakapal ang shell nito.

3. Age of the Layer Chicken - Mas tumatagal ang shelf-life o buhay ng itlog kapag galing sa batang manok kaysa matandang manok dahil mas makakapal ang shell nito.

4. Climate - Mas tumatagal ang shelf-life o buhay ng itlog kapag malamig ang panahon. Ang mga maliliit na sizes ay kayang tumagal ng limang (5) linggo kapag malamig ang panahon at isang (1) linggo naman ang malalaking sizes kapag mainit ang panahon.

1. Ang PKH Poultry Farm ay located sa San Jose, Batangas bilang Egg Basket of the Philippines. Nasa 1/8 of total egg production ng buong Pilipinas ay matatagpuan sa bayan ng San Jose. Kaya kung panahon po ng tag-tumal, marami po kayong mahahanap na mura o mababang presyo sa aming bayan at kung mataas ang demand, sa bayan ng San Jose pa rin po kayo makakahanap ng maraming supply.

2. Kalimitan po, ibat-iba ang pricing ng mga egg producers (poultry farm) sa mga customers. Depende po sa kapasidad ng farm at ng customer.

A. Farm- Kalimitan po sa mga big farms, ay mababa ang price kapag tagtumal dahil kailangan nilang mapalabas o maibenta ng mabilisan ang kanilang itlog dahil marami silang supply. Ngunit, ang mga big farms din ang kalimitang matataas ang price kapag mataas ang demand dahil sila ang maraming supply. May farms po na minsan nakakapagbigay ng mababa kung kailangan po agad nila ng funds para makabili ng patuka o wala pang regular buyers sa batch na iyon pero hindi po ito palagi o nagtatagal kaya nakakakita kayo ng mababa. Kailangan din po mag-aral kayong tumingin ng kung ano ba ang itsura ng bagong itlog. Kalimitan po sa mababang price ay malapit ng mabulok ang itlog.

B. Customers- May mga customer po na matitibay o tinatawag na suki at loyal kaya inaalagaan din po yun ng mga farms kaya nag-iiba po ang pricing. Sila po yung mga hindi nawawala kahit panahon ng tagtumal. Kailangan maayos po tayong makipag-usap kasi natatandaan po yan ng mga farms. Iwasan po nating mag-cancel at maging maayos tayo sa pagbabayad para mapriority po kayo ng mga farms. May customer po na hindi maselan sa price, ang gusto nila quality eggs like bakeries. May customer din po na tinatawag ay " TAWAGIN o BODEGA". Sila po ang kumukuha ng mura o diyan po dinadala kapag wala na pong bumili sa farm. Nasa pag-uusap po yan ng customer at ng farm.

ANG sikreto po sa pag-nenegosyo ng itlog ay NEVER STOP LEARNING in all aspects of the business. Okay lang po na nagkakamali, importante po tayo ay natututo.

1. Ang itlog ang isa sa prime commodity na humahalimbawa sa Law of Supply and Demand.

2. Normally, tumataas o nagmamahal ang presyo ng itlog kapag tag-ulan at tag-lamig dahil sa ilang kadahilanan:
- Tumataas ang demand dahil masarap kumain ng itlog kapag tag-ulan at tag-lamig.
- Malaki ang impact ng school year sa price ng itlog sa merkado. Tumataas ang demand kapag may pasok sa mga school.
- Bumaba ang production rate na iniitlog ng manok kapag tag-ulan at taglamig.
- Lumalaki ang size ng itlog kapag tag-ulan at tag-lamig kaya nagmamahal o tumataas ang price ng PL, Small at Medium sizes dahil kumokonti ang supply.

2. Ang mga regular customers ng mga farms kapag summer o tagtumal ay inaalagaan po yan ng mga farms. Yan po ang mga matitibay na customers at mga hindi nawawala kaya nagtataka po kayo bakit wala kayong makuhang egg slot kapag tumataas ang demand tuwing tag-ulan at tag-lamig. Ang mga suki pong tinatawag ay taon na pong binibiling ng customer ng isang farm. Kaya pinakamaganda pa din ang mayroon kayong suking supplier farm, dahil kalimitan na makikita nyong stock o egg slot kapag tag-ulan at tag-lamig ay mahal sa mga hindi regular customers.

3. Mas maganda din, direct kayo sa mga farms, kasi kung anong farm gate price ay sya nyo pong makukuha. Kung magbago ng price ay mabilis po magbago kung direct kayo sa mga farms.

4. Kagandahin din kapag tag-ulan at tag-lamig, mas madali pong i-market ang itlog.

5. Pinakamaganda pa rin ang may maayos na relationship sa mga farms. Makipag-usap po tayo nang maayos dahil natatandaan po nila ang mga maaayos na customer.

1. Normally, mura o pinakamababa ang presyo ng itlog kapag summer dahil sa ilang kadahilanan:
- Mahina ang demand kapag mainit ang panahon
- Walang pasok sa school (pero nagbago na po ang school year ngayon)
- Tumataas ang production rate na iniitlog ng manok kapag summer
- Lumiliit ang size ng itlog kapag summer kaya maganda magsimula magnegosyo ng itlog kapag summer.

2. Ang mga regular customers ng mga farms kapag summer ay inaalagaan po yan ng mga farms. Yan po ang mga matitibay na customers at mga hindi nawawala kaya nagtataka po kayo bakit nakakahanap kayo ng mababang price. Ang mga suki pong tinatawag ay taon na pong binibiling ng customer ng isang farm.

3. Mas maganda din, direct kayo sa mga farms, kasi kung anong farm gate price ay sya nyo pong makukuha. Kung mababa talaga ay mababa po talaga.

4. Ngunit dahil mahina ang demand kapag summer mas mahirap po i-market ang itlog, dahil hindi po kalimitan nagbaba ang market price (sa mga dalahan).

5. May time po ang ang mga dealer ay madaling nakakatawad sa mga farms at yan po ay kapag oversupply at summertime. Kaya IT'S YOUR TIME TO SHINE  ika nga. Kabaligtaran po yan ng undersupply at mataas ang demand, mahigpit po ang mga farms sa pricing.

6. Magandang obserbahan nyo po ang mga stock sa farms, pag marami kayo nakikitang itlog, inyo pong tawaran.

7. Obserbahan nyo din po if marami o walang customer sa isang farm. Maaaring mataas ang presyo o may customer na nadadala dahil nabibigyan ng luma o pinahihirapan ng mga dealer kapag wala po kayong masyadong nakikitang customer o tambak ang itlog sa isang farm.

Generally, ang bentahan sa mga farm ay "Assorted Sizing". Ito po ang nakasanayan. Assorted Bagong Patak, Assorted Bata, Assorted Segunda at Assorted Matanda. Ang isang batch po ng manok kahit iisa po ang edad ay iba-iba po ang size na iniitlog.

2. Assorted Batch Classes:
   A. Assorted Bagong Patak- 18weeks to 22weeks. No Weight to PL
   B. Assorted Bata- 23weeks to 60weeks. PL to Medium
   C. Assorted Segunda- 61weeks to 80weeks. Small to XL
   D. Assorted Matanda- 81weeks and above. Medium to Jumbo

Note:
1. Nag-babago po ang sizing depende po sa breed ng manok at age bracket na nakasanayan ng farm. May farm po na wala ng Assorted Segunda.
2. Icheck nyo din mabuti ang itlog dahil may farm na naghahalo na. Nasa pag-uusap pa rin yun ng customer at ng farm.
3. Sa sagot po sa tanong nyo ay kung ano po magandang ibenta sa itlog bata o itlog matanda?:

A. Depend on Your Target Market
Example:
- Palengke- Big sizes
- Tapsihan- Small sizes
- Bakeries- Medium sizes

B. Depend on the Demand
Example:
- Mabili po ang PL at Small sa panahong malalamig dahil kakaunti po ang supply
- Mabili po XL at Jumbo kapag summer dahil lumiliit po ang mga itlog kapag mainit ang panahon kaya mataas po ang demand ng malalaki.
- Kailangan matuto o palagi po kayong makiramdam sa andar ng itlog sa markeda at panahon.

C. Depend on the Supply- kung ano po ang size o batch na magandang pagkakitaan o mura o mababang price nyong mabibili ay sya po magandang ibenta pero kalimitan po sa mga magandang pagkakitan ay syang matutumal o less demand na size o batch.

Please take note po na GRADED na po kami sa farm. It means naka-sizing na po.

Definitely, Cash dahil sa mas maraming advantage ang cash payment sa supplier, hindi lang po sa negosyong pag-iitlog ang ating pinag-uusapan.

1. Ika nga "Money is King". Hindi po kayo kayang kontrolin ng farm if cash payment po ang gagamitin nyo. Kasi takot silang mawala kayo dahil madali po kayong makakalipat dahil wala po kayong obligasyon sa kanila.

2. Kung naka-terms po ang payment nyo sa isang farm, ang tendency po ay sila lang ang magiging supplier nyo kaya mabagal bumaba o hindi po nababa ang presyo nila kahit tumutumal na dahil kinukuha nyo po in terms.

3. Sa karanasan po namin, mas kumuha po kayo sa mga farms na cash lang payment dahil kung sino lang ang may kayang bumili in cash payment ay sila lang ang mabibigyan. Ang tendency po, ilan lang po kayong magiging customer nila dahil malaki po agad ang kapital kaya mahihirapan ang farm itataas ang price kundi magbabago ang supply and demand sa merkado.

4. Dahil mabilis din po magbago o pabago-bago ang presyo ng itlog, lamang pa din ang naka-cash payment kasi priority kayo ng mga farms lalo na kung tumataas ang demand ng itlog at priority din sa mas maraming slot dahil cash po ang inyong ibabayad.

5. Mas madali din po kayong makakaalis sa inyong supplier kapag nakahanap kayo ng mas mababang presyo dahil cash payment kayo sa inyong supplier.

6. Hindi lang po ito applicable sa pagnenegosyo ng itlog, pero very advantage po ang cash payment sa egg transactions.

Depende po sa ibat-ibang factors:

1. Market Area
Mas maganda na ang target market area nyo ay malalayong lugar sa mga farms like tawid-dagat. Ang mga farm locations po ay nasa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga and others parts of Luzon and some are located in Bicol and Vismin. Don't expect high return of investments and high income sa mga malalapit sa lugar na ng mga farms. 5.00 - 15.00 po ang gross profit margin sa mga lugar na malalapit sa mga farms. Gross profit margin means expenses plus net income. Mark-up depends on the market area, customer/competition, season (demand and supply), payment terms and volume order requirements.

2. Competition/Customer
Kailangan nyo pong aralin kung magkano ang presyuhan sa inyong target area o market. Depende po yan sa existing distributors sa area o kalaban. Kalimitan ay may mga farms na din na nakapwesto sa palengke. Kaya maganda po i-market sa mga retail, companies and subdivisions. Minsan kahit malayo ang target area like from Luzon to Mindanao, kung mababa ang presyuhan sa Mindanao ay wala tayong magagawa kundi humanap ng ibang target market o humanap ng ibang supplier. 20.00-45.00 per tray naman po kalimitan ang tubuan sa retail.

3. Season (Depende sa Supply and Demand)
Kalimitan kapag kulang sa supply, mataas din ang presyo ng itlog sa lugar na maraming tao katulad ng Maynila dahil mataas ang demand. Ngunit, kapag oversupply din, sa Maynila din mura ang bilihan dahil maraming tao ay sila ang mabilis makapag-consume ng itlog. Sa mga lugar na walang masyadong kalaban ay maaari pong malaki ang tubuan.

4.  Payment Terms
Madalas kung nais ang magandang tubuan ay kailangan naka-terms ang payment ngunit nandyan po ang risk na hindi na po mabayaran. Kaya maganda pa rin ang cash payment, sa pagbabyad nyo man sa inyong supplier at ganun din sa transaction nyo ng inyong customer.

5. Volume Order Requirement
Normally, mas maliit ang profit margin sa bulk volume order.


6. Operating Expenses

Ito po ang pinaka-importante. Kailangang marunong po kayong mag-costing ng expenses BAWAT byahe/transaction. Expenses include manpower, gas, tollgate, maintenance and losses. Kung ang operating expenses nyo po bawat byahe ay 30.00 per tray, kailangang hindi bababa dito ang patong nyo per tray. Kailangan din na hindi malulugi ang dealer/distributor, dahil kung mangyayari po ito ay may problema sa pagpapatakbo ng negosyo. 

1. It is derived from the word "Pullet" which means a young hen, less than one year old.

2. Extra Small o XS o SP or PL or Pullet size na nakikita nyo are one and the same.

(ILANG TRAY ANG PWEDE NAMIN BILHIN SA FARM NYO?)

Wala pong minimum pickup order sa farm pero, katulad po ng palagi namin sinasabi mas maganda po marami para mas maganda po ang kitain nyo.

Example po: If you are coming from Cavite, kailangan 200-300trays po depende po sa season (price) ng itlog. Kung kakaunti lang po pickup nyo sa farm, malulugi o wala po kayong kikitain dahil may expenses (gas, toll fee, manpower and food) po tayo.

1. Study the Market and Learn - Pag-aralan kung ano ang mabili o kailangan ng iyong target market o sa pagtitindahan nito. Take one step at a time. Mahirap matuto ng sabay-sabay.
A. Mas maganda ang maging target market mo ay nangangailangan ng quality eggs like companies versus cheap price like palengke.
B. Mas maganda din ang target market ay retail basis like household/subdivision/community. Hindi sila maselan sa price. Ang gusto nila ay good service like free delivery.
C. Maganda din ang target ay companies, kakailanganin mo lang din ng mga permits na hinahanap nila at ready ka sa terms na mapapag-usapan nyo.

2. Target Place
A. Kung ang lugar ba ng pagdadalhan mo ay madaming tao o high foot traffic o maraming mangangain ng itlog
B. May ilang palengke na ang nakapwesto na ay mismong may-ari ng farm kaya mahihirapan ng ilaban in terms of pricing.
C. Mas maganda din na ang target place mo ay malalayong lugar sa mga farm like tawid-dagat. Ang mga farm locations po ay nasa Batangas, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga and others part of Luzon and some are located in Bicol and Vismin. Don't expect high return of investments and high income sa mga malalapit sa lugar na ng mga farms.

3. Always Compute the Expenses - Palaging magcompute ng expenses BAWAT byahe dahil nagbabago ang price ng expenses like gasoline. Malaro din ang price ng itlog dahil nagbabago po yan depende sa supply and demand.

4. Investment - Hindi mo kailangan ng malaking puhunan o bibiglain mo para kumita ka agad ng malaki. Take one step at a time.

5. Goal - Palaging isipin ang layunin kung bakit ka pumasok sa larangan o industriyang ito.

6. Attitude
A. Bilang isang negosyante? Dapat malakas ang loob mo sa lahat ng risk na pwede mong kaharapin.
B. Deliver more than what is expected para magkaroon po tayo ng suki.

1. Magka-iba lang po ang kinakain ng manok kaya nagpo-produce po ng magkaibang color. More on mais kapag yellow. Pero same nutritional value po ang yellow and orange yolk.

2. ALL YELLOW YOLK PRODUCED EGGS sa farm. Mas malinamnam po ang yellow yolk dahil more on mais ang kanyang ingredients.

Hope mapansin nyo po, ang sarap at malinamnam ang itlog ng PKH EGG POULTRY FARM! Yes, dahil sa feeds ingredients po iyan at guaranteed fresh daily!

1. Ang itlog ang isa sa prime commodity na humahalimbawa sa Law of Supply and Demand.

2. Mabili ang small sizes katulad ng NW, PW, PL, Small at Medium sizes kapag maulan at malamig ang panahon. Ito ay dahil sa ilang kadahilanan.
A. Masarap kumain ng itlog kapag maulan at malamig.
B. Tumataas ang demand ng small sizes sa mga lugaw at tapsihan kapag panahong malalamig.
C. Lumalaki ang napoproduce na itlog ng manok kapag maulan at malamig kaya kumokonti sa supply ng small sizes.

3. Ito ang ilang tips para mas kumita po kayo ng maganda.
A. Mag-ipon ng itlog one-week advance kapag panahong tag-ulan dahil kalimitang tumataas ang price nito sa nasabing panahon.
B. Sakto lang ang bilhin kapag tag-init dahil dumadami ang supply ng maliliit kapag mainit ang panahon.
C. Maganda din aralin ang andar ng supply at demand sa merkado.

4. Mas maganda din, direct kayo sa mga farms, kasi kung anong farm gate price ay sya nyo pong makukuha. Kung magbago ng price ay mabilis po magbago kung direct kayo sa mga farms.

5. Pinakamaganda pa rin ang may maayos na relationship sa mga farms. Makipag-usap po tayo nang maayos dahil natatandaan po nila ang mga maaayos na customer.

Ang isang batch na layer chicken sa isang farm ay ibat- iba ang size kahit iisa ang edad kaya tinatawag po itong "Assorted". Mas maliliit ang size na napo-produce sa batang manok at malalaki naman kung matandang manok. Nagsisimulang umitlog ang isang layer chicken sa 18weeks. Mayroon pong tinatawag na Assorted Bagong Patak (18-22weeks), Assorted Bata (23-60weeks), Assorted Segunda (61-80weeks) at Assorted Matanda (81weeks and up).

Please take note na iba iba pa din ang system ng bawat farm. Mayroon pong farm na wala ng Assorted Segunda at iba iba din ang age bracket ng bawat klase ng Assorted. Ang pagsa-size (egg grade) ng itlog ay maaaring gumagamit ng machine (machine sorted.- nagbabase sa timbang) at manual (pinapake/sinosort sa kamay - nagbabase sa laki). Iba-iba din ang tawag ng bawat farm like PL at Extra Small ay parehas lang po iyan. Iba-iba din ang timbang ng bawat farm depende sa nakasanayan. Ang itlog po sa PKH FARM ay graded na (nakasize na) using egg sorting machine. Nagbabase po kami sa DTI standard egg weight.


Ito po ang normal trend demand ng egg sa market pero maaari pong magbago depende pa din sa supply and demand ng egg:


1. June

- Tumataas ang demand ng egg kapag maulan at malamig ang panahon at bumababa naman ang egg production sa mga panahon ding ito kaya kalimitan nagsisimula tumataas ang egg price sa buwan ng June. Nababawasan din ang egg production ng small sizes (PL, Small at Medium) sa mga panahong ito at dumarami naman ang big sizes (Large, XL at Jumbo).


2. August

- Kalimitang nag-pepeak ang egg demand sa buwan ng Agusto dahil sa malimit na pag-ulan.


3. September to December

- Bumababa konti ang demand pagdating ng September at kalimitang biglang tumataas naman pagdating ng Pasko at Bagong Taon.


4. January and February

- Mataas pa din ang egg demand sa mga buwan na ito dahil sa malamig na panahon.


5. March to May

- Dahil summer season, humihina ang egg demand kaya bumababa ang egg price simula March at nagtatagal hanggang May. 


Dumarami din ang egg production kapag mainit ang panahon. Maliliit din ang egg production kapag mainit ang panahon kaya mataas ang demand ng big sizes sa panahong ito.

Sagot: Depende


Ang sagot po sa katanungan nyong ito ay depende sa ibat-ibang factors:


1. Depende sa supplier farm

A. Generally, mas maganda po ang kitaan sa assorted. Bakit? Kalimitan po, kahit biglang lumaki ang itlog, hindi po agad nagtataas ng presyo ang farm kaya gumaganda ang kita sa assorted. Pero ang downside, kapag bigla po uminit ang panahon, lumiliit ang itlog ng mga manok. Matatalo po kayo sa assorted. Kaya maganda pa din, mayroon tayong maayos na relationship sa mga farms dahil natatandaan po nila ang mga maaayos na customers. Makiusap po tayo na kung pwede tanggalin ang sobrang liliit kapag biglang uminit ang panahon o kaya baka pwedeng bawasan kahit kaunti ang presyo.

B. Kailangan marunong po tayong tumingin ng tunay na batch ng manok.

Assorted Batch Classes:

A. Assorted Bagong Patak- 18weeks to 22weeks. No Weight to PL

B. Assorted Bata- 23weeks to 60weeks. PL to Medium

C. Assorted Segunda- 61weeks to 80weeks. Small to XL

D. Assorted Matanda- 81weeks and above. Medium to Jumbo

Note: Nag-babago po ang sizing depende po sa breed ng manok at age bracket na nakasanayan ng farm. May farm po na wala ng Assorted Segunda.


2. Depende po sa Customer

A. Mayroon pong mga customers na ang kailangan ay iisang size lamang o may specific quantity per size kaya ang kailangan nyo pong kunin ay graded na.

B. Mas mataas po ng kaunti ang price ng graded kapag sinumatotal dahil may expenses na pong kailangan icompute ang mga farms. 

C. Ang kagandahan din po ng graded ay hindi na po kayo kailangan kumuha manpower dahil graded nyo na makukuha sa farm.

D. Maiiwasan din po ang pagkatalo nyo kapag lumiit ang egg sa assorted kaya maganda din ang kukunin ay graded na.

E. Pinaka-importante pa din ang relationship ng farm at customer.


3.  Depende sa relationship ng Customer at ng Farms

A. Mayroon pong mga customers na tinatawag na suki. Yung mga hindi nawawala kahit tagtumal kaya inaalagaan din po yun ng mga farms. Tinatandaan po ng mga farms ang mga customers nila sa panahon ng tagtumal kaya mapapansin nyo bakit wala kayong makuhang slot, ito po ay dahil priority nila ang mga loyal customers.

B. Iba din kalimitan ang presyo ng mga farms sa kanilang mga suki.

C. Kapag nararamdaman din naman po ng mga farms ang value nyo lalo sa panahon ng tagtumal, for sure po aalagaan din po kayo ng mga yan.

D. Kailangan din po, icheck nyong mabuti ang sizing kung tama sa DTI or above standard size.


4. Depende sa Demand and Supply

A. Kung mapapansin nyo, hindi talaga nagkakaparehas ang mga presyo ng mga farms, depende po yan sa demand at supply.

B. Kalimitan ang mga big farms, ang may mga matataas na price kapag panahon ng taglakasan ng itlog dahil kaya nila ang demand.

C. Ngunit sila din ang kalimitang pinakamababa ang price kapag tagtumal, dahil kailangan nilang mailabas ang itlog ng mabilisan dahil madami po silang supply.

D. Mayroon din pong kalimitan mga dinadalhang bodega ang mga big farms, doon na po nila dinadala ang mga eggs kapag wala ng bumili sa farms. Kalimitan ito po ay fastbreak sale na dahil kailangan ng mabilisang ilabas sa merkado.

1. Commercial Use

A. Ang mga itlog na paninda o pang-supply sa merkado ay nangangailangan ng "STORED AT ROOM TEMPERATURE". Ibig sabihin, hindi kailangan i-refrigerate. Ang mga lugar na mainam paglagyan ng itlog ay may hangin o maaliwalas, hindi naaarawan at hindi nauulanan. Maaaring tumagal ang itlog ng 1-2 linggo kung galing sa matandang manok at 2-5linggo kung galing naman sa batang manok. Ito ay depende pa din sa panahon. Mas madaling mabulok ang itlog kapag mainit ang panahon.

B. Mas mainam gamitin ang itlog para sa "baking" kung ito ay nakalagay sa room temperature.

C. Mas mainam ding gumamit palagi ng bagong tray dahil nakakabuti ito sa pagtagal ng shelf-life ng itlog.

D. Bago i-drop-off ang itlog, kailangang alisin agad ang nabasag na itlog sa byahe dahil isa o dalawang araw lang ay bulok na ito. Pati ang mga katabi o nasa ibabaw o ilalim ay maaaring maapektuhan na din ang quality (parang kamatis, kailangan alisin ang bulok upang hindi madamay ang mga katabi).

E. Kung nabasa ang itlog, kailangang mai-consume agad ito dahil mabilis itong mabulok (3days shelf-life only).

F. Kung may dumi ang itlog, mainam itong hugasan gamit ang suka at malinis na tela, ngunit kailangan mai-consume agad ito dahil mabilis itong mabulok.


2. Personal Use

Mainam na i-refrigerate ang itlog kung ito ay personal na gagamitin. Maaari itong tumagal ng dobleng panahon kumpara sa stored at room temperature (gaya ng nasa itaas).


Ang mga itlog po sa PKH Poultry Farm ay guaranteed fresh daily. Hindi po kami naghahalo ng nahugasang itlog at hindi po naghahalo ng dirty. Maximum 2days old po ang itlog namin sa farm.

1. External Appearance

  A. Maputi po ang shell kapag bago ang itlog. Minsan po, namumula (parang rosy cheeks) kung titingnang maigi kapag bagong-bago ang itlog. 

  B. Wala kang makikitang itim na dot-dot-dot sa shell ng itlog. Ang itim na dot-dot-dot ay nangangahulugan na malapit ng mabulok ang itlog.


2. Internal Appearance and Odor

  A. Buo ang egg yolk (yellow part o pulang tinatawag) ng bagong itlog.

  B. Ang basag na pula, itim sa loob ng itlog, amoy na hindi kaaya-aya ay senyales na luma o bulok na ang itlog.


3. When Used in Food

  A. Mabango ang pagkain o malinamnam kapag bago ang itlog na ginamit.

  B. Kapag ginamit ang bagong itlog sa paggawa ng cake ay fluffy ang nagiging output.

Answers:

1. DTI Standard po kami sa farm using egg sorting machine.

2. Ngunit nag-iiba po ang laki ng itlog if galing sa manok ng matanda (malalaki pero magagaan) at if galing sa manok ng bata (mabibigat pero maliliit).

REILDRIN G. MORALES, DVM, MVPH MgT 

Officer-in-Charge, Director 

Email Address: director@bai.gov.ph 

Contact Number: (02) 8528 2240 local 1101-1103 


BAI Animal Health and Welfare Division 

Contact Number : 85282240 local 1506 or 0928-5241866 


Dr. Imelda J. Santos 

Division Chief 

Email Address: da.bai.ahwd@gmail.com / ahwd@bai.gov.ph 

Contact Number: (02) 928-2836 / (02) 8528 2240 local 1500 


Dr. Marie Shella G. Ordinario 

OIC, Section Head 

Animal Information and Advocacy Services Section 

Email Address: da.bai.ahwd@gmail.com / ahwd@bai.gov.ph 

Contact Number: (02) 928-2836 / (02) 8528 2240 local 1506 


National Capital Region  

Bureau of Animal Industry – Animal  Health and Welfare Division  

Address: Visayas Avenue, Diliman, Quezon  City  

Tel. No.: 8528-2240 local 1501 – 1506  

Cel. No.: 0928 524 1866, 0928 524 0257 Email Address: ahwd@bai.gov.ph, animalwelfare.application@gmail.com  


DA-Cordillera Administrative Region   

Address: BPI Compound, Guisad, Baguio  

City, Benguet  

Tel. No.: (074) 444-9872 Cel. No.: 0956 659 5110

Email Address:  regulatorydivision.car@gmail.com, livestock.cordillera@gmail.com  


DA-Regional Field Office I  

Address: Aguila Road, Sevilla, San  

Fernando City, La Union  

Tel. No.: (072) 242-1045 to 46, local 24/  

(042) 888-2085/ CISCO 4115  

Cel. No.: 0961-536-4936  
Email Address: regdarfo1ahw@gmail.com

DA-Regional Field Office II  

Address: San Gabriel, Tuguegarao City,  Cagayan  

Tel. No.: (078) 844-1031/844-1331/396- 1328, (078) 846-3009/304-2312  

Cel. No.: 0906-394-2159, 0917-599-9239,  0975-243-7192, 0917-5192577  

Email Address:  darfo2regulatory@yahoo.com, regulatory.rfo2@da.gov.ph 

 

DA-Regional Field Office III  

Address: Sto. Niño, City of San Fernando, Pampanga  

Tel. No.: (045) 961-0244/ (045) 961-2934  

Email Address: darfo3.awa@gmail.com    

 

DA-Regional Field Office IV-A  

Address: A. Tanco Drive, Marawoy, Lipa  City, Batangas  

Tel.: No.: 929-1522  

Cel. No.: 0915-878-6013

Email Address: rfo4a.awa@gmail.com, rfo4aregulatory@gmail.com 

 

DA-Regional Field Office IV-B  

Address: 3rd Floor ATI Building, Elliptical  

Road, Diliman, Quezon City Tel. No.: (02) 332-7274, 8426-0583

Email Address:  regulatorylivestock4b@gmail.com 


DA-Regional Field Office V  

Address: San Agustin, Pili, Camarines Sur 

Tel. No.: (054) 477-0381, (054) 477-7146 

Cel. No.: 0947 201-1245, 0929-952-5741  

Email Address: regulatoryrfo5@gmail.com  

 

DA-Regional Field Office VI    

Address: Hamungaya, Buntatala, Jaro,  Iloilo  

Tel. No.: (033) 500-4192, 336-4221, 337- 1262  

Cel. No.: 0928-812-0367  

Email Address: awa.darfo6@gmail.com 

 

DA-Regional Field Office VII  

Address: MBS Complex Highway,  Mandaue City, Cebu  

Tel. No.: (032) 268-2311, 239-7908, 268- 5187 

Cel. No.: 0997-632-0607 

Email Address: regulatorydarfo7@gmail.com,

DA-Regional Field Office VIII  

Address: Kanhuraw Hill, Tacloban City,  Leyte  

Tel. No.: (053) 839-5125 

Cel. No.: 0926-630-8227, 0917-709-4055

Email Address:  regulatorydarfo8@gmail.com  


DA-Regional Field Office IX  

Address: Lenienza, Pagadian City,  Zamboanga del Sur  

Tel. No.: (062) 214-4677, 215-4069  

Cel. No.: 0997-214-4987, 0998-566-7823  

Email Address: da9regulatory@gmail.com  


DA-Regional Field Office X  

Address: A. Luna Street, Macabalan,  Cagayan de Oro City, Misamis Oriental  

Tel. No.: (088) 856-8777, 856-2753 to 55 

Cel. No.: 0917-720-1711 

Email Address:  

regulatoryda10archives@gmail.com


DA-Regional Field Office XI  

Address: Fr. Selga Street, Bangkerohan,  Davao City  

Tel. No.: (082) 222-7480, 221-9697 

Email Address: vphec.davao@gmail.com, regulatoryda11@yahoo.com,  regdivgroup11@gmail.com,   


DA-Regional Field Office XII  

Address: Prime Regional Center,  Carpenter Hill, Koronadal City  

Tel. No. (083) 228-3413  

Cel. No.: 0998-560-6635, 0950-512-9073, 0967-640-2880, 0915-650-0428

Email Address:  da12.regulatorydivision@gmail.com  


DA-Regional Field Office XIII (CARAGA)

Adress: Capitol Site, Butuan City, Agusan del Norte  

Tel. No.: (085) 815-2009 local 211  

Cel. No.: 0915-9071623. 0909-7631977,  0977-186-6852  

Email Address: caraga_regdiv@yahoo.com  


Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform   

Address: OCM Compound, Cotabato City 

Tel. No.: (064) 552-3166 

Email Address:  mafar@bangsamoro.gov.ph

Scroll to Top